Mananahi, fish vendor, at tricycle driver, mga bagong milyonaryo dahil sa pagtama sa lotto

Malaysia News News

Mananahi, fish vendor, at tricycle driver, mga bagong milyonaryo dahil sa pagtama sa lotto
Malaysia Latest News,Malaysia Headlines
  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 47 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 22%
  • Publisher: 68%

Isang mananahi sa Rizal, isang tindero ng isda sa Pasig, at isang tricycle driver mula sa Zambales ang mga nadagdag sa listahan ng mga nanalo ng jackpot prize sa lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa website ng PCSO, inihayag nito na mula sa Taytay, Rizal ang mananali na nanalo ng mahigit P21 milyon jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw noong November 4, 2022.Edad umano ng mga anak ang tinayaan na numero ng 39-anyos na ginangna dating may patahian pero bumagsak nang magkaroon ng pandemic.

Itinuturing ng ginang na malaking biyaya ang pagtama niya sa lotto matapos ang sunod-sunod na dagok na dumating sa kanilang buhay. "Nabenta po ang aming bahay upang maibayad sa utang, ngayon po ay nangungupahan kami sa isang maliit na barung-barong. Dagdag pa ang pagkaopera ng aking anak sa kidney," anang ginang sa inilabas na pahayag ng PCSO.Samantala, sa hiwalay na pahayag ng PCSO, sinabing P24.684 milyon na jackpot prize naman sa Lotto 6/42 draw noong October 25, 2022, ang tinamaan ng 35-anyos na fish vendor mula sa Pasig City.

Kombinasyon umano ng mga numero ng kaniyang kapanganakan at ng kaniyang partner ang lumabas na mga numero na 28-10-30-08-01-16.Isa naman sa dalawang nanalo ng P5.940 milyon premyo sa Lotto 6/42 draw noong November 8, 2022, ang 29-anyos na tricycle driver mula sa San Antonio, Zambales.Gagamitin daw niya ang napanalunan para sa pag-aaral at kinabukasan ng kaniyang mga anak. --

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

gmanews /  🏆 11. in PH

Malaysia Latest News, Malaysia Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

AJ Raval nanganak na raw sa isang ospital sa Pasig, nagtakip pa ng mukha para hindi makilala?AJ Raval nanganak na raw sa isang ospital sa Pasig, nagtakip pa ng mukha para hindi makilala?“NANGANAK na si AJ Raval noong November 18 or 19 diyan sa isang payak na hospital sa Pasig (City),” ang sabi ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog
Read more »

Two-day holiday in Cainta, Rizal on Nov. 30 and Dec. 1Two-day holiday in Cainta, Rizal on Nov. 30 and Dec. 1Residents, including students and workers in Cainta, Rizal will enjoy a two-day holiday on Nov. 30, Wednesday, a regular holiday nationwide, and Dec. 1, Thursday, which was declared as a non-working day.
Read more »

'Shot puno': 'Gin bilog' given as souvenir in baptism reception in Rizal'Shot puno': 'Gin bilog' given as souvenir in baptism reception in RizalGoodnewsCorner: In case you need some ideas on what souvenir you should give to your child's ninong and ninang 😉 | via philstarlife
Read more »

Juxtaposed: Bonifacio's birthday observed as holiday, unlike Rizal-Ninoy death anniversariesJuxtaposed: Bonifacio's birthday observed as holiday, unlike Rizal-Ninoy death anniversariesHolidays are established to honor and commemorate the lives and deaths of significant personalities who helped shape our nation and Philippine history.
Read more »

Lalaking nanakit ng Pinay sa New York, hinatulang makulong ng 17 1/2 taonLalaking nanakit ng Pinay sa New York, hinatulang makulong ng 17 1/2 taonJUST IN: Hinatulang makulong ng 17 at kalahating taon ang lalaking brutal na umatake sa isang 67-anyos na Pinay sa Yonkers sa New York, USA noong Marso. BASAHIN:
Read more »



Render Time: 2025-03-13 16:06:12