Mga guro sa in-person classes sa Valenzuela City, sasailalim sa regular na swab test
“Ang sa amin lang, we will do swab test ng mga guro at support staff every week kasi may sarili naman kaming laboratory para masigurado nating negative sa swab ang ating mga teachers,” sabi ni Mayor Rex Gatchalian.Dalawang paaralan sa lungsod ang kasama sa limited face-to-face classes. Ang mga ito ay ang Tagalag Elementary School at ang Disiplina Vlllage Bignay Elementary School.“Pareho silang apat na section ang tumakbo at bawat section, 16 ang estudyante.
Dapat aniya na nakasuot palagi ng face mask at face shield ang mga mag-aaral. Mahigpit din silang susunod sa physical distancing at iba pang minimum public health protocols. Samantala, sinabi ni Gatchalian na mananatiling sarado ang ilan sa kanilang mga parke habang nagsasaayos pa ng patakaran para maging maayos ang pila ng mga taong nais gumamit nito.
“For the longest time sinara natin 'yung family park, people’s park at iba pang park, 4 yan all in all. Nitong nag alert level 2 gumawa kami ng sistema na limit lang ang pwedeng pumasok at every 3 hours lang ang change shift. Wala kaming naging problema sa loob ng park. Ang naging problema namin sa labas ng park,” sabi ni Gatchalan.
Kahit aniya tatlong oras pa ang shift ay maraming tao ang naghihintay sa labas ng park at hindi na nasusundan ang physical distancing.“So we had to close our family park again. Narealize natin na excited ang mga tao na pumunta sa park. Even if kaya nating makontrol sa loob, yung ‘di natin makontrol sa labas,” sabi niya.“Hopefully, sa Enero pati yung sa labas ma-address namin,” sabi niya.
Malaysia Latest News, Malaysia Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
500 pamilya nasunugan ng mga bahay sa BasilanAabot sa 500 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama sa Isabela City, Basilan noong umaga ng Sabado.
Read more »
Mga sasabak sa F2F classes sa NCR, nakahanda naNakahanda na sa muling pagsabak sa face-to-face classes ang halos 30 public school na bahagi ng pilot run sa Metro Manila simula bukas.
Read more »